September 25, 2011

Hindi Ba?

Ang pag-ibig, o kay tamis!
Datapwat may panahong mapait.
Hindi man ito laging nababanggit,
Nakikita naman sa matang marikit.

Hindi mahalaga kung saan nagsimula,
Hindi na mahalaga kung may nangungutya.
Basta't ang mag-irog sigurado sa pag-ibig nila,
Bakit pa pakikinggan ang iba?

Ngunit may mga pagkakataon,
Na pag-ibig sadyang nahahamon.
Minsan naiisip na ito'y ibaon,
Pero kakayanin ba talagang limutin ang kahapon?

Basta't iyong tandaan na hindi lang puso ang kailangan.
Bagkus pati ang isipan nang iyong malaman tama sa kamalian.
Ang pag-ibig kasi ay hindi tiyak ang hangganan.
Meron mang magpasawalang hanggan, di ba't meron din namang panandalian?