June 7, 2007

Sandali

Isang sulyap lang,
Hangad mong muli syang mayakap,
Ngunti alam mong bagkus ay 'di na dapat.
Ang "kayo" ay matagal ng lumipas.

Pero 'di mo pa rin maiwassang mag-isip,
Ano? Paano? At bakit?
Alam mong sa sarili mo ay ibinigay mo ang lahat,
Bakit tila 'di pa rin naging sapat?

Masakit man isipin at gawin.
Ang paghihiwalay ay yaring 'di na bago sa atin.
At sa pusong nagmaghal ng lubos, hirap mang tumibok,
Muli ring maghihilom at magiging maayos.

Kaya't huwag mag-alala, walang mali.
Hayaan ang ngiti ay sumilay muli sa labi.
Ang mundo ay hindi hihinto sa isang pagkakamali,
Bagkus tuloy na iikot ng walang pagmamadali.